Panata sa Bayan
Alin mang sulok ng daigdig aabutin
Ihahatid ang napapanahong balita
Balita'y dapat balita lang
Walang kulay o bahid ng panlilinlang
Ang tanging hangarin ay maparating
Ang katotohanan
Kapuso tayo tapat sa pagbabalita
Kapuso, ikaw at ako
Kapuso tayo tapat sa pagbabalita
'Di pagagamit kaninuman
Katotohanang magpapalaya sa bayan
(hahanapin, babantayan)
Katotohanang magpapalaya sa bayan
(haharapin, ipaglalaban)
Katotohanan ang panata namin sa bayan
Magpasya para sa sarili
'Di kailangang maniwala sa sabi-sabi
Ang susi ay katotohanang hawak mo
At 'pag nakamtan ito'y makapangyarihan
Ang piring at takot natatanggal
Pinakikilos inaahon ang bayan
Kapuso tayo tapat sa pagbabalita
Kapuso, ikaw at ako
Kapuso tayo tapat sa pagbabalita
Di pagagamit kaninuman
Katotohanang magpapalaya sa bayan
(hahanapin, babantayan)
Katotohanang magpapalaya sa bayan
(haharapin, ipaglalaban)
Katotohanan ang panata namin sa bayan
Katotohanan, palaganapin pa
Ilaw sa dilim, bayan lumaya ka
Katotohanang magpapalaya sa bayan
(hahanapin, babantayan)
Katotohanang magpapalaya sa bayan
(haharapin, ipaglalaban)
Katotohanan ang panata namin
Katotohanan ang panata namin
Katotohanan ang panata namin sa bayan