Nagtanan
Isang gabi
Bilog ang buwan
Nang si Pedro't si Petra ay nagtanan
Litong-lito
At kinakabahan
Sa pagtakbo'y nasabit sa sampayan
Ang sampayan
Na subok sa tibay
At nakatali sa haligi ng bahay
Ang haligi
Na puno ng anay
Ay nag-iba
Nagising tuloy ang tatay
Tumakbo ng matulin ang magkasintahan
Kasunod ang tatay na may hawak na itak
Nakakita ng bisikleta
Ang magsinta'y sumakay at umiskyerda
Ang tatay habol ang hininga
Inatake ng hika sa kalsada
Hi hi hi hi hi hika
Hi hi hi hi hi hika
Hi hi hi hi hi hika