Sa Piling Mo
Kahit ano pang problemang magdaan
Sa buhay kong ito na mayroong pagkukulang
Mga panahong dumaan at lumipas na
Di ko alam kung saan magsisimula
Suliranin ng buhay na aking dinadala
Parang larawan na tila di ko maipinta
Sana'y muling lumitaw ang katotohanan
Sa mga bagay na hindi ko maintindihan
Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa
Sa piling mo makakayanan ko lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo
Di ako palilinlang
Puso't isipan aking ipaglalaban
Basta't ako ay may karamay (basta't ako ay may karamay)
Iaalay ang buo kong buhay
Para sa'yo
Anumang pagsubok ang aking tatahakin
Taas noo buong tapang kong susuungin
May kaagapay na hindi na dapat mangamba
Kahit ano pa ang sabihin ng iba
Dati'y sumuko dahil puso'y sugatan
Galos ng kahapon ay aking napaglabanan
Dahil ako ay kumapit sayong mga bisig
Alang-alang sa ngalan ng pag-ibig
Ako'y babangon basta't tayo'y magkasama
Ating haharapin sa hirap o ginhawa
Sa piling mo makakayanan ko lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo
Di ako palilinlang
Puso't isipan aking ipaglalaban
Basta't ako ay may karamay (basta't ako ay may karamay)
Iaalay ang buo kong buhay para sa'yo
Para sa'yo oh (para sa'yo)
Sa piling mo makakayanan ko lahat ng hamon aking malalampasan
Di papatalo
Di ako palilinlang
Puso't isipan aking ipaglalaban
Basta't ako ay may kasama (basta't ako ay may kasama)
Alam kong meron pang pag-asa (alam kong meron pang pag-asa)
Basta't ako ay may karamay (basta't ako ay may karamay)
Iaalay ang buo kong buhay para sa'yo
Para sa'yo
Para sa'yo