Anyo

Armand Quimpo, Francis Aquino, Jose Castillo, Ramon Legaspi

Natutulog na dilat
Nakatitig lang sa langit
Umiiyak, ngumingiti
Sumasayaw ang hugis ng ulap

May bumubulong sa akin
Hindi malaman ang ibig sabihin
Nagtatanong, nakikinig
Sumasagot sa ihip ng hangin

May anyong nakatingin
Na hindi namamansin
Pumasok ka sa salamin
Sarili mo'y yakapin
May anyong nakatingin
Na hindi namamansin
Pumasok ka sa salamin

Lumalalim na ang gabi
Hindi alam ang patutunguhan
Nagtatanong, lumilipad
Umiikot ang aking isipan

May anyong nakatingin
Na hindi namamansin
Pumasok ka sa salamin
Sarili mo'y yakapin
May anyong nakatingin
Na hindi namamansin
Pumasok ka sa salamin

Curiosidades sobre a música Anyo de Kontra

De quem é a composição da música “Anyo” de Kontra?
A música “Anyo” de Kontra foi composta por Armand Quimpo, Francis Aquino, Jose Castillo, Ramon Legaspi.

Músicas mais populares de Kontra

Outros artistas de Techno