Hihintayin

Pansamantalang hindi mahahawakan
Ang iyong mukha pero sandali lang
Bago mo tuluyang iwan
May sasabihin lang

Kung bukas 'di na magkikitang muli
Pagsikat ng araw ang puso'y ngingiti
Hihintayin ang pagbabalik
Hihintayin

Sa pag-iisa nakatanaw sa tala
Kunwari'y katabi iisang dalangin
Aasahan ang yakap mo'y
Makakamit muli muli

Kung bukas 'di na magkikitang muli
Pagsikat ng araw ang puso'y ngingiti
Hihintayin ang pagbabalik
Hihintayin 'di alintana ang sakit
Hihintayin

Tadhana sana'y nakikinig
Nang bukas yakap mo'y makamit
Kung bukas 'di na magkikitang muli
Yakap ang pangakong ikaw ay babalik
Pagsikat ng araw ang puso'y ngingiti
At mga kamay maghahawak muli

Hihintayin (kung bukas 'di na magkikitang muli)
Ang pagbabalik
Hihintayin (yakap ang pangakong ikaw ay babalik)
'Di alintana ang sakit
Hihintayin (kung bukas 'di na magkikitang muli)
Kunwari'y katabi
Hihintayin

Músicas mais populares de Kithara

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)