Pahinga

Princess Roselle Germina

Ipikit mga mata
Pahinga ka muna
Wala namang kailangan na
Patunayan sa kanila
Ipikit mga mata
Pahinga ka muna
Sa mundong mapanghusga
Pikit ka muna

Di ko na makita
Tama pa ba ang daan
Masaya ka pa ba?
Baka naman hindi na

Nakakapagod din naman na maging ako
Daming gagawin
Lagi ko nalang pinagtatanto
Bakit ba kailangang ganito
Ang buhay ng tao sa mundo
Mga maling nagawa ko lang nakatatak sa kanila

Ipikit mga mata
Pahinga ka muna
Wala namang kailangan na
Patunayan sa kanila
Ipikit mga mata
Pahinga ka muna
Sa mundong mapanghusga
Pikit ka muna

Di ko na madama
Ako ba ay mahalaga
Lumalaban ka pa ba
Pilitin mo na huminga

Nakakapagod din naman na
humiga sa lalim ng
Mala dagat na problema
Daming tinanggap na panghuhusga
Galing sa mga taong di mo inasahang lulunurin ka
Kahit nga ang araw ay marunong din mawalan ng liwanag yah
Ikaw pa kaya na tao lang
Pwede rin mapagod
Pwede rin malunod
Kailangan mong magpahinga
Hayaan mga ididikta ng makikitid na isipan
Ang mahalaga piliting magpatuloy
Ganun lang talaga ang daloy ng buhay na pinahiram ni Bathala
Kung minsan nga ay masaya
Asahan mo na madalas ay malala
Kung siyam na beses ka nang nadapa
Sampung beses ka dapat na bumangon
Pilitin mo parin umahon
Kahit na mahirap
Kahit na mahirap
Tao lang naman ako
Ikaw rin naman diba?

Ipikit mga mata
Pahinga ka muna
Wala namang kailangan na
Patunayan sa kanila
Ipikit mga mata
Pahinga ka muna
Sa mundong mapang husga
Pikit ka muna ha?

Curiosidades sobre a música Pahinga de KeeN

De quem é a composição da música “Pahinga” de KeeN?
A música “Pahinga” de KeeN foi composta por Princess Roselle Germina.

Músicas mais populares de KeeN

Outros artistas de Industrial rock