Ilang Pasko Pa Ba
Pasko nanaman
At parang kailan lang
Kasa-kasabay na naglalakad sa daan
Mag-kahawak ang kamay
Tila ayaw na tayong mag-hiwalay
Ngayo'y ala-ala na lang
Pasko nanaman
Hinahanap-hanap pa rin kita
Pasko nanaman
Hindi ka ba ngayo'y nag-iisa
Ako ba'y iniisip mo pa
O baka naman ika'y may kasama nang iba
Ilang pasko pa ba upang makita ka
Pasko nanaman
Hanggang ngayon pangarap ka
Buti pa'ng parol may kislap na kay ganda
Kahit siya'y nag-iisa
Ay nakakayanan niyang maging masaya
Bakit 'di ko kaya
Pasko nanaman
Hinahanap-hanap pa rin kita
Pasko nanaman
Hindi ka ba ngayo'y nag-iisa
Ako ba'y iniisip mo pa
O baka naman ika'y may kasama nang iba
Ilang pasko pa ba upang makita ka
Pasko nanaman
Hinahanap-hanap pa rin kita
Pasko nanaman
Hindi ka ba ngayo'y nag-iisa
Ako ba'y iniibig mo pa
O baka naman ika'y may minamahal ka nang iba
Ilang pasko pa ba upang makapiling ka