Dahil Sa'Yo Natutong Magmahal
Nang marinig ko ang iyong tinig
Agad mayro'ng kaba sa'king dibdib
Bakit kay tamis ng ngalan ko
Pag binubulong mo na ito
Puso ko'y pagod nang mag-isa
Pag-ibig ay nais ko rin na madama
Sana ay damdami'y magtagal
Dahil sa'yo natutong magmahal
Habang buhay pag-ibig kong inaalay
Sa'yo lamang ibibigay
Tanging ikaw ang sinisigaw
Ng puso kong naghahangad lamang sa'yo
Sa'yo natuto
At sa'yo natuto
Bakit ba pagdating mo nga dito sa buhay ko
Nawala na ang lahat ng mga takot ko
Ikaw na nga ba ang sagot sa 'king mga dasal
Dahil sa'yo natutong magmahal
Dahil sa'yo natutong magmahal