Wala Nang Iba
Ngumingiti sa tuwing maiisip
Ang sandaling ika'y nakapiling
Ngunit hindi maaalis sa akin
Na wala ka sa aking tabi
Sana'y hindi ka nalang lumisan
Aking lungkot hindi ko mapigilan
Naririnig mo ba itong awitin
Aking inaasam muling mahahagkan
Wala akong mahihiling
Walang ibang nanaisin
Kundi ikaw ay akin muling makapiling
Wala nang iba
Lagi kitang hihintayin
Walang ibang mamahalin
Hinding-hindi titigil hanggang muli kang makapiling
Wala nang iba
Bumabalik mga pinagdaanan
Nangako na wala nang hangganan
Ikaw pa rin ang aking iibigin
Di mawawala sayo magtitiwala
Sayo lamang ako mangangako
Pag-ibig niya hindi maglalaho
Walang ibang ititibok ang puso
Ikaw lang ang mahal hindi mapapagal
Wala akong mahihiling
Walang ibang nanaisin
Kundi ikaw ay akin
Muling makapiling
Wala nang iba
Lagi kitang hihintayin
Walang ibang mamahalin
Hinding-hindi titigil hanggang muli kang makapiling
Wala nang iba
Mmm wala nang iba
Oh wala nang iba
Wala akong mahihiling
Walang ibang nanaisin
Kundi ikaw ay akin
Muling makapiling
Wala nang iba
Wala akong mahihiling
Walang ibang nanaisin
Hinding-hindi titigil hanggang muli kang makapiling
Wala nang iba
Wala nang iba
Wala nang iba