Piraso

Joshua Mari Miralles, Clinxy Beats

HOOK
kahit na alam ko na na malabo sayong palarin
ako'y nandito pa rin at umaasa na sa akin hanapin
ang kapiraso na kayang bumuo ng puso na minsan nang nasa piling
lahat aking gagawin kahit iba na ang gustong piliin
sana'y muling angkinin

Verse 1
ako rin naman ang dahilan kung bakit dumating
sa ganito dahil di ka napagbigyan sa nais mong hiling
"Hindi pa pwede" yan ang salita na aking nasambit
sa baka sakali mo na sana tayo nalang sa huli
ilang taong umasa kahit lagi mong kasama
at hinihiling ko rin na sana akin nang makita
na para sayo ang katulad ko't napag tanto
ngunit parang huli na para sabihin ko

Verse 2
patawad kung napagod ka at nawalan ka nang gana
kaya binaling iba ang atensyon na dati akin lang
pero ngayon ko nakita nung sa akin ika'y nawala
kung gaano ka kahalaga at tunay tong nadarama
ngayon nais kang bawiin kahit medyo alanganin
gusto ka na mapa sa akin at atin nang totohanin
kahit di ko alam ang mapupuntahan susubukan ko na lang
aking ibabalik ang lahat ng pinagsamahan

Outros artistas de Asian hip hop