Tanging Ikaw

Jomuel John Casem, Clien Alcazar, Arnulfo Cruz Jr, Dan Leo Villanea, ELEVEN

Hindi mo na ba kayang magtagal, ikaw ba'y nahihirapan na
Kaya gumagawa na ng paraan para ika'y iwanan na
Palagi mong tinatanong
Kung bakit nandirito
Kahit na sinasabi mong pagod ka na
Pero umaasa akong
Nasasabi mo lang lahat ng ‘yan kasi nagagalit ka

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Ikaw ang pinangarap makasama ko sa tuwing
Malamig ang panahon ikaw ang laging katabi
Hindi na bago maglambing dahil ikaw ang mundo
Kahit minsan magulo
‘Di papatalo
‘Di naman na tayo mga bata
Para ‘di natin malaman ang tama
Sa mali
Patawarin mo kung minsan ay ‘di na
Katulad ng dati na masaya
Pero ayos lang basta’t
Ikaw ang aking kasama
Sa hirap at ginhawa

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Naaalala ko pa noong nakita kita
Hindi ko na malilimutan ang iyong mga mata
Mala-bituin sa ganda
Ako'y tinamaang bigla
Kaya ako'y nahihirapan na iwanan ka
Kaya kung ano man ang gusto mong gawin
Ako'y nandito lang at balak kitang hintayin
Alam kong ayaw mo na
Pasensya ka na

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Mahal pakiusap lang
‘Wag ka namang ganyan
Kahit na nasasaktan
Na ‘ko madalas hindi pa rin makayang
Talikuran ka't kalimutan ang
Mga panahon na puro kasiyahan lang
Ang nadarama
Kapag kasama ka
Na ‘tila ‘di na makikita sa iba
Kaya mahal
‘Di kita bibitawan
‘Di kita iiwanan
Ikaw ay 'paglalaban ko
‘Di kita susukuan
Kahit mahirapan
‘Yan ang panghawakan mo

Pasensya na kung hindi ko kayang bumitaw
Kasi ang natitira na lang para sa akin ay tanging ikaw
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang
Tanging ikaw na lang

Curiosidades sobre a música Tanging Ikaw de Jom

De quem é a composição da música “Tanging Ikaw” de Jom?
A música “Tanging Ikaw” de Jom foi composta por Jomuel John Casem, Clien Alcazar, Arnulfo Cruz Jr, Dan Leo Villanea, ELEVEN.

Músicas mais populares de Jom

Outros artistas de Pop rock