Sariwang Hangin
Sariwang hangin umihip ka
Dahon ng puno’y dalhin mo na
Sa kaibigang wala rito
Naroon naroon sa malayo
Sariwang hangin umihip ka
Ipaalala mo sa kanya
May punong-kahoy na naghihintay
Sa dulo ng paglalakbay
At sa ilalim ng puno
May nag-iisang nakaupo
Sariwang hangin naglalaro
Sa mga dahon nitong puso
At sa sanga sa tugatok
Kay raming bunga nang-aalok
Sariwang hangin pitasin mo
Ang mga bunga nitong puso
Sariwang hangin umihip ka
Bunga ng puso’y dalhin mo na
Sa kaibigang sinisinta
Hinihintay hinihintay kita