Piso

Ang tunay na paraiso
Ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito

May nagbabangayan sa isang bayan
Mga takam sa kapangyarihan
Gusto nilang maghariharian
Para lang sa pansariling pakinabang
Saan na ba papunta ang kinabukasan
Ng mga taong nalasing sa karangyaan
Kung hindi na liliwanag ang isipan
O kay pait ng kanilang huling hantungan

Ang tunay na paraiso
Ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito
Ang tunay na paraiso ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito (dahil dito)

Tahimik ang ilang naabutan
Ang iba nama'y nag-iingay pagka't may kulang
Tinabunan ang katotohanan
Kaya't nagdusa ang walang kasalanan
Meron bang naghihintay na kapalaran
Sa nahumaling na sa kayamanan
Ang salaping iyong iniingatan
Madadala mo ba sayo'ng libingan

Ang tunay na paraiso ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito
Ang tunay na paraiso ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito
Ang tunay na paraiso ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito
Ang tunay na paraiso ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito

Wala wala wala
Wala wala wala
Ang paraiso'y wala sa piso
Wala wala wala
Wala wala wala
Ang paraiso'y wala sa piso

Músicas mais populares de Joey Ayala

Outros artistas de Neofolk