Maglakad

Joey Ayala

Tipo bang walang magawa
Tipo bang sawang-sawa ka na sa buhay
Ganyan ang pirmeng nangyayari
Sa laging nakakulong sa bahay
Hindi sapat ang managinip na lang buong araw
'Di sapat ang magkamot na lang ng tiyan
Ang tanging gamot sa kainipan ay
Maglakad maglakad sa lansangan maglakad maglakad
Kay raming makikita maglakad maglakad
Igalaw ang iyong paa
Maglakad sa lansangan
Isuot ang iyong sapatos tsinelas o bakya

At kung ika'y ganahan ay pwedeng magpaa
At maglakad nang dahan-dahan
Huwag kang maghabol
Iyo ang panahon easy lang
Maglakad pagmasdan sari-saring hayop
Mga manok na nagtatawiran
Asong nagliligawan
Pusang nagpapa-araw
Naliligong kalabaw
Kambing nagmemerienda
At marami pang iba

Maglakad pagmasdan sari-saring mga tao
Mga lolang nakatabako mga nagkukutuhan sa hagdan
Mag lolong de baston mga batang walang pantalon
Nagkekembutang mga dalaga at marami pang iba

Alam n'yo (ano)
Kahit matanda na ako e mahilig pa din ako manuod ng mga chicks (pare naman)
Problema nga e naninigas itong aking tuhod

Maglakad sa lansangan sariwain ang isipan
Tanggalin ang iyong inip luwagan ang ulong naninikip
Maglakad maglakad sa lansangan maglakad maglakad
Kay raming makikita maglakad maglakad
Huwag magmadali
Iyo ang panahon easy lang
Maglakad maglakad maglakad maglakad maglakad maglakad

Curiosidades sobre a música Maglakad de Joey Ayala

Quando a música “Maglakad” foi lançada por Joey Ayala?
A música Maglakad foi lançada em 1991, no álbum “Panganay Ng Umaga”.

Músicas mais populares de Joey Ayala

Outros artistas de Neofolk