Bankerohan

Joey Ayala

[Verse 1]
‘Kaw ba’y nagtataka sa aking mga kilos
Parating nasa bahay ‘di na nagpapakita
‘Di na nagtitipar o nanonood ng sine
‘Di na namamasyal sa Magsaysay

[Verse 2]
Ako’y may karanasang hindi malilimutan
Noong isang gabi nagkasunog sa palengke
Ako ay nakisali sa mga nakiusisa
Biglang may pumutok at nagkagulo-gulo

[Chorus]
Dagan! Dagan! Dagan!
Mga tao’y nagsigawan
Mabuti na lang at ako’y nadapa
At naligtas sa pinsala

[Verse 3]
‘Pagka’t mahirap ang umilag sa shrapnel ng granada
Kapag ika’y tamaan labas ang ‘yong bituka
At kung ikaw ay suwertehing dalhin sa ospital
Asahan mong ikaw ay dead on arrival

[Verse 4]
At ganyan nga ang nangyari sa aking katabi
Ang balak niya’y tulungan ang mga nasunugan
At napaaga lang nga ang kanyang gantimpala
Isang libreng tiket sa kalangitan

[Chorus]
Diyos ko! Diyos ko! Diyos ko!
Ito ba ang Inyong kagustuhan
Iilan na lang nga ang mga matitino
Sila pa ang tinatawag Niyo
Diyos ko po!

[Instrumental Break]

[Verse 5]
Kaya mga higala kundi mahihinto
Itong uring katuwaan na ‘di naman biro
Inyong mapapansin sa kadugay-dugayan
Unti-unting mauubos ang Dabawenyo

[Chorus]
Pastilan! Pastilan! Pastilan!
Sasabihin ng buong bayan
Ang siyudad ng Dabaw ay wala nang tao
Ang Dabaw ay sementeryo

[Chorus]
Diko! Diko! Diko!
Isa lang ang aking buhay
Marami pa akong gustong gawin
Huwag niyo munang putulin

[Chorus]
Agay! Agay! Agay!
Isa lang ang aking buhay
Marami pa akong gustong gawin
Huwag niyo munang putulin
Ang buhay ko

Curiosidades sobre a música Bankerohan de Joey Ayala

Quando a música “Bankerohan” foi lançada por Joey Ayala?
A música Bankerohan foi lançada em 1991, no álbum “Panganay Ng Umaga”.

Músicas mais populares de Joey Ayala

Outros artistas de Neofolk