Awit Ng Magdaragat
Tinawid ng ninuno ko ang karagatan
Dumaong sa aplaya nagtatag ng tahanan
Umibig at inibig at nabuhay ang angkan
Ng magdaragat
Dumaan ang panahon at ngayon heto ako
Tahanan ay aplaya tulad ng aking ninuno
Napukot ng pag-ibig may pamilya't inapo
Ng magdaragat
Nakalulan sa paraw ng kasaysayan (lumalayag sa agos ng panahon)
Lumulutang (sa kandungan ng alon)
Ito ang buhay ng magdaragat
Ito ang buhay ng magdaragat
Buhay ay nababago ayon sa pangitain
Daming mga hamon at kay raming gagawin
Magpayabong ng buhay at siyang aanihin
Ng magdaragat
Magmasid magbantay
Magpayabong ng buhay
Magmasid magbantay
Magpayabong ng buhay
Magmasid magbantay
Magpayabong ng buhay
Magmasid magbantay
Magpayabong ng buhay
Nakalulan (sa paraw ng kasaysayan)
Lumalayag (sa agos ng panahon)
Lumulutang (sa kandungan ng alon)
Ito ang buhay ng magdaragat
Ito ang buhay ng magdaragat
Ito ang buhay ng magdaragat
Ito ang buhay
Magmasid magbantay (lumulutang)
Magpayabong ng buhay (lumalayag)
Magmasid magbantay (lumulutang)
Magpayabong ng buhay (lumalayag)
Magmasid magbantay (lumulutang)
Magpayabong ng buhay (lumalayag)