Masungit

JOHN JIREH LIM

Bakit ka nagagalit lagi na lang masungit
Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin oh-whoa

'Di ko pa rin maintindihan ang dahilan
Kung bakit lagi ka na lang ganyan
Kahit na ano'ng gawin ay mali pa rin
Pinipilit ko na lang ika'y intindihin

'Di ka ba nahihirapan lagi mo 'kong iirapan
Hindi lang masunod ang iyong gusto
'Di ako nag-alinlangan sundin ang 'yong kailangan
Kahit alam ko na mahirap 'to

Bakit ka nagagalit lagi na lang masungit
Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin
Pero kahit nagagalit ba't 'di ka pumapangit
Natutunaw ako 'pag nakatitig ka sa 'kin oh

Kung 'di lang talaga kita mahal
Hinding-hindi ako sa 'yo magtatagal
Kahit na anong angas ko 'pag dating sa 'yo
Isang tingin mo lang ay titiklop na ako

'Di kita kayang iwanan 'di ko pa kayang lumaban
Kahit mahirap sa 'king aminin 'to
Sa tuwing nagtatampuhan ayaw mo ng lampungan
Ikaw pa rin ang tanging pipiliin ko

Bakit ka nagagalit lagi na lang masungit
Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin
Pero kahit nagagalit ba't 'di ka pumapangit
Natutunaw ako 'pag nakatitig ka sa 'kin oh-whoa

Kahit palagi kang masungit
Ikaw ang para sa 'kin aking kakayanin
'Di kayang pigiling ika'y suyuin
Kahit paluhain ikaw pa rin

Bakit ka nagagalit lagi na lang masungit
Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin
Pero kahit nagagalit ba't 'di ka pumapangit
Natutunaw ako 'pag nakatitig ka sa 'kin

Bakit ka nagagalit lagi na lang masungit
Ang hirap mo namang suyuin at paamuhin
Pero kahit nagagalit ba't 'di ka pumapangit
Natutunaw ako 'pag nakatitig ka sa 'kin oh-whoa

Músicas mais populares de Jireh Lim

Outros artistas de Film score