Mahal Mo Rin Kunwari

Alalahanin mong kay tagal na nitong
Pag-ibig ko sa 'yo bakit hindi umusbong
Sasabihin mo pang may gusto ka nang iba
'Di mo talaga ramdam gustong-gusto kita

Wala pa bang lugar sa puso mo
Bakit ko ba kailangang maramdaman ito
Tumitig ka sa 'king mga mata
Sabihin mo sa 'kin kung ako'y aasa pa
O luluhang sawi saan nagkamali

Kung kaibigan lang ang tingin mo sa'kin
Huwag mo nang ipaparamdam sa akin
Na ako'y mahalaga sa 'yo kunwari
Lalo lang sumisikip aking damdamin
Ginawa lahat pero hindi sapat

Naaalala mo no'ng ika'y sinaktan
Tumawag ka sa 'kin at ika'y luhaan
Dali-dali akong ikaw ay puntahan
Para damayan ka at ika'y tabihan

Tumitig ka sa 'king mga mata
Sabihin mo sa 'kin kung ako'y aasa pa
O luluhang sawi saan nagkamali

Kung kaibigan lang ang tingin mo sa'kin
Huwag mo nang ipaparamdam sa akin
Na ako'y mahalaga sa 'yo kunwari
Lalo lang sumisikip aking damdamin
Ginawa lahat pero hindi sapat

Kung kaibigan lang ang tingin mo sa 'kin
Huwag ka nang magpaparamdam

Kaibigan lang ba ang tingin mo sa 'tin
Bakit mo pinaparamdam sa akin
Na ako'y minamahal mo rin kunwari
Lalo lang nahihirapan ang damdamin
Ginawa lahat pero hindi sapat

Kung kaibigan lang
Kung kaibigan lang
Kung kaibigan lang
Huwag ka nang magparamdam

Músicas mais populares de Jireh Lim

Outros artistas de Film score