Kailangan ko ng…

ANGELIKA LOIS PONCE, KENNETH CLARK PONCE

Kailangan ko ng yakap
Kailangan ko ng halik sa 'king pisngi
Kailangan ko ng ugong ng malamig na tinig
Ilang panahon din na nagkulong (panahon din na nagkulong)

Sa 'king kuwarto at kulob na kulob
Matagal na akong nag-iintay na dumanas ng tunay na
Ligaya sa'n ba makakakita
Ng mga ngiting nagliliwanag kahit 'di umaga

Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon

Asa'n na ba
Ako'y naiinip na
Kailangan ko ng oras
Para libutin ang daigdig

Kailangan kang makita
Kahit maubos ang aking
Natitirang panahon na nakakulong (panahon na nakakulong)
Sa 'king kuwarto at kulob na kulob

Aanhin ko ang katahimikan
Kung wala namang magpaparamdam sa 'kin ng
Ligaya sa'n ba makakakita
Ng mga ngiting nagliliwanag kahit 'di umaga

Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon
Asa'n na ba
Ako'y naiinip na

Araw-araw na palaisipan sa 'kin
Mga ano'ng oras ba s'ya na darating
May pag-asa bang dalangin ko'y dinggin
Dinggin hiling na

Na kahit lumipas ang isang maghapon
Ay parang walang oras na natapon
Asa'n na ba (asa'n na ba)
Ako'y naiinip na

Músicas mais populares de jikamarie

Outros artistas de Contemporary R&B