Huwag Kang Susuko [Prima Donnas theme]

Hindi palaging may araw
Hindi palaging masaya
At ang 'yong inaasam na korona
Minsan kay ilap iniiwasan ka

Sa tuwing ika'y nawawalan ng pag-asa
At sa sakit para bang 'di mo na kaya
Ika'y kumapit manalig patuloy mangarap
Tadhana'y nasa palad mo

Huwag kang susuko
Huwag kang susuko

Kung masugatan ang puso
Iyong pag asa'y nabigo
Pakinggan mo tinitibok ng 'yong damdamin
May tunay na pag-ibig na paparating

Sa tuwing ika'y nawawalan ng pag-asa
At sa sakit para bang 'di mo na kaya
Ika'y kumapit manalig patuloy umibig
Tadhana'y nasa palad mo

Huwag kang susuko
Huwag kang susuko

Ang buhay mo'y magniningning
Huwag kang susuko oh

Sa tuwing ika'y nawawalan ng pag-asa
At sa sakit para bang di mo na kaya
Ikay kumapit manalig patuloy umibig
Tadhana'y nasa palad mo
Whoa

Huwag kang susuko (huwag kang susuko)
Huwag kang susuko
Ika'y kumapit
Huwag kang susuko

Músicas mais populares de Jessica Villarubin

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)