Minsan Ko Lang Sasabihin
Walang laman ang aking isip
Kundi ang isang katulad mo
Maging sa aking panaginip
Ikaw ang nakikita ko
At wala ng iba dito sa puso ko
At palaging ikaw 'Ya'y tatandaan mo
Di kayang ikaw kahit minsa'y saktan
Ikaw hanggang sa kailan man
Wala nang ibang iibigin
Palaging ikaw para sa'kin
Sa aki'y hindi ka luluha
'Ya'y pangako at di lang sumpa
Minsan ko lang sasabihin
Pag-ibig na aking inalay ay tanging sa'yo
At kailan ma'y di magbabago
Hinding-hindi ko kakayanin
Sa piling ko'y mawalay ka
Ang nais ko sa bawat oras
Kasama't kapiling kita
At wala ng iba dito sa puso ko
At palaging ikaw 'Ya'y tatandaan mo
Di kayang ikaw kahit minsa'y saktan
Ikaw hanggang sa kailan man