First and Last
Sayo ko lang naramdaman
Ang tunay na pag-ibig
Lahat sila nanunukso
Gusto ako, gusto ka nila
Sa mga mata mo
Nakita ko tayong dalawa
At walang anuman ang pipigil
Sa pagmamahalan natin
Pagpasensyahan mo na ako
Hindi ako perpekto, aking mahal
Pero para sayo susubukan ko
Gagawin ko ang lahat, mapasaya ka lang
Ikaw lang nag iisa
Wala nang iba, ano pa ba
Sapat na sakin yung binigay mong pagmamahal
My first and last
Yung ngiti mong nakaka miss
Yung boses mong matinis
Lahat pa nang alaala
Babalik balikan ko
Masaya na ako para sayo
Minsan naiingit pa nga
Na nandyan ka na
Nandyan ka na sa paraiso
Pagpasensyahan mo na ako
Hindi ako perpekto, aking mahal
Pero para sayo susubukan ko
Gagawin ko ang lahat, mapasaya ka lang
Ikaw lang nag iisa
Wala nang iba, ano pa ba
Sapat na sakin yung binigay mong pagmamahal
My first and last
Maraming nagsasabi na makakahanap pa'ko nang iba
Ewan ko ba, pero 'di ko nakikita
Pakiramdam ko kasi pag meron na akong iba
Maiisip kita at lahat nang pinagsamahan natin
Ikaw lang nag iisa
Wala nang iba, ano pa ba
Sapat na sakin yung binigay mong pagmamahal
My first and last
Ikaw lang nag iisa
Wala nang iba, ano pa ba
Sapat na sakin yung binigay mong pagmamahal
My first and last