Kung Maghihintay Ka Lang
Bakit naisipan mo pang pumasok sa daloy ng buhay ko
Nagsisimula pa lang bumangon mula sa nagdaang kahapon
Tinakot ka na nga at minsa'y hindi pinapansin
Ngunit nagpatuloy ka umaasa nananalangin
Kung maghihintay ka lang na malaman ang nais ng puso ko
Kung maghihintay ka lang maunawaan mo ang nadarama ko
Aking makakamtan tunay na pagmamahalan
Bakit naisipan ko pang hayaan na makapiling ka
Ako'y nangangamba sa bawat sandaling ako'y nag iisa
Salamat saiyo at ikaw ay nagtiis
Ngunit ang hinihiling maging tapat sa puso mo