Antipara

Naglalakad ka sa daan
Nabubunggo kung sa'n-saan
Malabo ang iyong mata
Kailangang mag-antipara

Kalinaw-linaw ng mundo pinapalabo mo
Sa tulis ng iyong mukha baka may masugatan ka

Wala ka nang makita
Di ka pa mag-antipara
Hindi halata ang luha
Sa likod ng antipara antipara

Nagbabasa ka ng libro
Nakadikit na sa noo
Halos kainin mo na yan
Hindi mo maintindihan

Kalinaw-linaw ng mundo pinapalabo mo
Sa tulis ng iyong mukha baka may masaktan ka pa

Wala ka nang makita
Di ka pa mag-antipara
Hindi halata ang luha
Sa likod ng antipara antipara

Huwag kausapin kong di kilala
Papano mo malalaman kung wala kang antipara

Kay linaw-linaw ng mundo pinapalabo mo
Lagi ka pang tumatakbo mauntog sana ang ulo mo

Wala ka nang makita
Di ka pa mag-antipara
Hindi halata ang luha
Sa likod ng antipara antipara

Músicas mais populares de Itchyworms

Outros artistas de Pop rock