Pansamantala
Sinong mag-aakala na sa gitna ng dilim ay doon ko pa
Makikilala ang magbabalik ng kulay at saya
Sa mundo kong nalalanta ihip ng hangi'y nag-iba
'Di pa ito ang tamang panahon para ako'y sumuko na
Mali bang hilinging patigilin ang pag-ikot ng mundo
Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli kahit pa isang saglit
Maari ba tayong manatili sa ating sariling daigdig
'Di na kailangang kilalanin ang nakaraan natin
At di na kailangang tanggapin na may ang mamay-ari na
Ng damdaming inakalang para sakin talaga
Nang ikaw ay biglang nawala nalaman kong ako ay pansamantala
Mali bang hilinging patigilin ang pag-ikot ng mundo
Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli
Mali bang hilinging patigilin ang pag-ikot ng mundo
Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli
Ako ba ay isang hindi inaasahang pagkakamali isang pagkakamali
Mali bang hilinging patigilin ang pag-ikot ng mundo
Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli
Nang ikaw ay bumalik nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo