Pagod
nakakapagod rin pa lang
umibig ng walang
alam kung mapagbibigyan
hindi ko maintindihan
saan ba nagkukulang
madali lang ba 'kong tanggihan
kung una pa lang ay nalamang walang pupuntahan
hindi na sana nasayang ang ilang taong tayo'y nag habulan
dapat hindi na ninais ikaw ay makamtan
ng isipan kong nalinlang sa mga salitang wala namang kahulugan
kahulugan
lahat, lahat binibigay
makamit mo lang
ang tangi mong inaasam
ngayong ika'y naka angat
iniwan mo ako
mapasaya lang ang lahat
kung una pa lang ay nalamang walang pupuntahan
hindi na sana nasayang ang ilang taong tayo'y nag habulan
dapat hindi na ninais ikaw ay makamtan
ng isipan kong nalinlang sa mga salitang walang laman
nakakapagod rin pa lang
umibig ng walang
hinihintay na kapalit
aking nilaban ang bawat linggong dumaraan
kung mababalik ang kahapon ay
pipilitin kong hindi na makialam
hindi matanggap na ako ang nagsisilbing hadlang
lingid sa kaalaman na mauuwi lang tayo sa
iwanan
iwanan
iwanan
iwanan