Limang Kanta Lang
Limang kanta lang ang siyang pang tapat
Ang siyang pang gabay
At ang pamagat ng
Awiting ito na aking isinulat
Upang ang mga batang makatay aking mamulat
Heto na ang kahuli-hulihang awit sa CD
Na aking sinulat at pinakinggan mo ng mabuti
Kasing simple lamang ng awit ng ibon at pag-huni
Sa mga letra sa aking isipan ay di ka lugi
Dahil mauunawaan mo mga pinanggalingan ko
Mga nararamdaman at ang mga saloobin ko
Ika’y sumunod hatid ko’y tunog
Tula ko’y apoy sa ulan at kulog
At tubig sa’yong tapayan
Lakaran mo huwag labanan
Kung ‘di ako kilala sasabihin ako’y mayabang
Hindi walo hindi sampu
Yan lang talaga ang laman
Tamang-tama lamang ‘yan
Kahit na limang kanta lang
Nalalapit na ang pagtatapos
Pero pisi ko’y di kapos
Pag dumating ang laban dapat tinta mo’y hindi ubos
Pare ‘di maiwanan boses mo’y matapakan
At ang maging tampulan dito sa balagtasan
Ng mga makata na binata man o may asawa
Ang mga malulupit lamang ang siyang nakikilala
Parang ngipin ng piranha pang hinipo mo hiwa ka kaya
huwag mong hahawakan mga sinulat na letra ni
g to the l to the o to the c to the n to the i to the n to the e
‘Di walo hindi sampu
‘Yan lang talaga ang laman
Tamang-tama lamang ‘yan
Kahit na limang kanta lang