Itanong Mo Sa Mga Bata

Cesar Banares Jr.

Ikaw ba'y nalulungkot
Ikaw ba'y nag-iisa
Walang kaibigan
Walang kasama
Ikaw ba'y nalilito
Pag-iisip mo'y nagugulo
Sa buhay ng tao
Sa takbo ng buhay mo
Ikaw ba'y isang mayaman
O ika'y isang mahirap lang
Sino sa inyong dalawa ang mas mahihirapan
Masdan mo ang mga bata masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata ang sagot ay 'yong makikita
Ikaw ba'y ang taong walang pakialam sa mundo
Ngunit ang katotohanan ikaw lang ay naguguluhan
Tayo ay naglalakbay habol natin ang buhay
Nguni't ang maging bata ba'y ka'y tulay tungo sa hanap nating buhay
Masdan mo ang mga bata ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin sa buhay na hindi naman sa atin
Itanong mo sa mga bata itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita sa buhay na hawak nila
Masdan mo ang mga bata sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat natin pahalagahan dapat din kaya kainggitan
Masdan mo ang mga bata masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata ang sagot ay iyong makikita

Músicas mais populares de Glaiza De Castro

Outros artistas de