Hilagang Bituin

Gianne Talastas

Natanaw ko nang di hinahanap
Nahulog ang loob sa di inaasahan
Sadyang mapaglaro lang ang tadhna
Nabuhayan muli ang pusong sawa

Ang tinig ng iyong puso
Ang papakingan ko kapag ako'y napapalayo
Ang mga salita sa iyong mga mata
Ang tanging isisigaw kapag nawawala

Ikaw ang naisulat sa tala
Ikaw ang nais gawin kong tahanan
Ikaw hinintay kong umaga
Ikaw na hindi inakala

Buong gabi buong araw
Haplos mo ang nasa isip
Sa isang tingin mo lamang
Puso'y di mapakali

Ang tinig ng iyong puso
Magsisilbing aguhon
Kapag napapalayo
Ang mga salita
Sa iyong mga mata
Hilagang bituin kapag nawawala
Hilagang bituin kapag nawawala

Ikaw ang naisulat sa tala
Ikaw ang nais gawin kong tahanan
Ikaw hinintay kong umaga
Ikaw na hindi inakala

Kung ang walang hanggang ay hanggang bukas na lamang
Hindi bibitawan ang hindi ko inakala

Ikaw ang naisulat sa tala
Ikaw ang nais gawin kong tahanan
Ikaw hinintay kong umaga
Ikaw Ikaw Ikaw
Na di inakala

Curiosidades sobre a música Hilagang Bituin de Gian

De quem é a composição da música “Hilagang Bituin” de Gian?
A música “Hilagang Bituin” de Gian foi composta por Gianne Talastas.

Músicas mais populares de Gian

Outros artistas de Sertanejo