Tala

Gerardo Reyes

Pag ikay kasama mundo koy malaya
Lahat ng problema di na alintana
Dungaw sa bintana, sungkitin ang tala
Pag ikay kasama ang sarap ng tama

May mga gabing di malampasan
Mga katanungang walang ring laman
Paulit ulit lang na hilahan
Bumibigat lang ang nakadagan

Mga matang may dala dalang
Hindi na mabilang pa na dahilan
Piliting pigilan ay lalo ka lang
Tuluyang malulubog sa puyatan

Teka huminahon ka
Baka san pa mapunta
Alam naman natin na
Di mo na kelangan pa
Buhatin yan ng magisa
Kasama mo akong mangamba
Kahit walang matira
Mahirap ba? bumangon ka
Maubusan man ng tinta
Mahalaga ay nandyan ka
mahalaga ay nandyan ka.

Mahigpit mong yakap laging hinahanap
Ang iyong liwanag sanay lumaganap pa
Mahigpit mong yakap laging hinahanap
Ang iyong liwanag sanay lumaganap pa

Patagal ng patagal ay di na kayang mawala ka
Ikaw lagi ang kasama tagilid man o sagana
Madilim man sa silid ay may liwanag na pamana
Pampagana sa sistemang binugbog na ng dilema

Ang tadhana'y masisilip kung paano ka umasa
Tumaya ka sa barahang kontrolado ang balasa
Wag ka sanang mainis kung tumanggi sa paanyaya
Akoy laging palihis kung kapalit nitoy paglaya

Di ko to dinaya, laging kinakaya
Mula umpisa iilan ang naniwala
Utak piniga nagpapakamakata
Suntok sa buwan pero abot ko ang tala.

Mahigpit mong yakap laging hinahanap
Ang iyong liwanag sanay lumaganap pa
Mahigpit mong yakap laging hinahanap
Ang iyong liwanag sanay lumaganap pa

Mahigpit mong yakap laging hinahanap
Ang iyong liwanag sanay lumaganap pa
Mahigpit mong yakap laging hinahanap
Ang iyong liwanag sanay lumaganap pa

Músicas mais populares de Gerardo Reyes

Outros artistas de Mariachi