Rapko
Gising pa ang diwa kong lula sa hiraya
Sana nga'y mawari kung pano pa lumaya
Nagsunog ng kilay to para di madaya
Gamit na panghiwa ay ang sariling wika
Halo halong buhay parang ukay ukay
Kelangang masanay isang paa sa hukay
Matira matibay , kanya kanyang pakay
Ang ibay nagnakaw at ang ibay nag alay
Dikdikin ang palay , kunin ang tinapay
Sakaling mapilay meron bang dadamay
Patagong inakay ng mahiwagang gulay
Dagdagan ang kulay tanggalin ang ingay
Meron bang pag asa? wag ka ng umasa
Kasi ang sistema ay medyo malala na
Laging minamasa puro plataporma
Nagmukhang komedya hakot pang takilya
Balik lang sa una ang pagikot ng proseso
Hahalik ka sa paa na para bang isang deboto
Sa bawat kumpas kelangang sumabay ng mga
koro
Uulitin parang loro tapos oo lang oo
Kakabobo nag aaway nagtatalo tayo tayo
Ni hindi nga kilala ng mga taong iboboto
Unahan ang mga dagang pinainan lang ng keso
Di masupil ang problema sa tumataas na presyo
Di kita masisi kung tinanggap limang daan
Sadyang mahirap labanan ang kumakalam na tiyan
Napuno ng agam agam puro hangin ang laman
Pagkatok mo sa pintuan di ka na pagbubuksan
Wala sayong magtuturo kundi ang karanasan
Yung taong pinagsagawan ginawa ka lang hagdan
Hanggat merong mahahakot di problema lalagyan
Hanggat merong mahahakot nandyan ang kasakiman.