Sa Musika

'Di naman ikaw ang pinapangarap
'Di naman ikaw ang aking hinahanap
Anong ginagawa mo sa buhay ko
Bakit ba damdamin ko'y nagkakagulo oh

Buong atensyon ko'y palagi mong kinukuha
Inis sa 'king mukha hindi mo ba nakikita
Bakit ba pinagtagpo tayo ng tadhana
Talaga bang may plano para sa ating dal'wa

Wala naman akong magagawa sa ngayon
Hahayaan ko na lang lumipas ang mga panahon

Sasabay na lang sa musika
Sa tibok ng puso magtitiwala
Malay mo balang araw magpantay
Pag-indak paggalaw ng ating buhay

Woah
Woah
Woah

Ngayon ay 'di ka na maalis sa 'king isipan
Ano bang nakita ko sa'yong katauhan
Kinukumpleto mo ang bawat kulang
'Di na kita kayang pakawalan

Wala naman akong magagawa sa ngayon
Susundan ko na lang kung sa'n umihip ang panahon

Sasabay na lang sa musika
Sa tibok ng puso magtitiwala
Malay mo balang araw magpantay
Pag-indak paggalaw ng ating buhay

Woah woah woah

Sasabay na lang sa musika (sasabay sa musika)
Sa tibok ng puso magtitiwala (sa puso magtitiwala)
Malay mo balang araw magpantay
Pag-indak paggalaw ng ating buhay

Woah woah woah

Músicas mais populares de Garrett Bolden

Outros artistas de Contemporary R&B