Sa Ayaw Mo'T Sa Gusto [Acoustic]

Ayoko na sanang umibig pang muli
Lalo na't kakagaling sa pagkasawi hmm
Di na mabilang ilang ulit na akong nabigo oh
Parang bata na napaso sa apoy na di matuto-tuto oh
Ngunit nang makita ka'y hindi alam ang gagawin
Iniiwasan ka pero nagpapapansin
Magpahulog man ako'y baka wala ring mapala
Pinipilit na panindigan na ayaw ko na

Ngunit di na'ko makapigil
Oh heto na naman ako oh
Oh ako'y nanggigigil napapamahal na sa iyo
Sa ayaw mo't sa gusto hmm

Lagi-lagi na lang tuwing ika'y dumaraan
Lumulukso ang tibok ng puso ko
Gusto ko ba o ayaw na
Oh ako'y litong-lito
Ngunit tuwing makita ka'y hindi alam ang gagawin
Iniiwasan ka pero nagpapapansin
Oh diyos ko baka wala ring mapala
Pinipilit na panindigan na ayaw ko na

Ngunit di na'ko makapigil
O heto na naman ako oh
O ako'y nanggigigil napapamahal na sa iyo (oh)
Sa ayaw mo't sa gusto oh

Walang magagawa sadyang ganyan talaga (oh)
Di maiwasan pang madala oh

Di na'ko makapigil
O heto na naman ako oh
O ako'y nanggigigil napapamahal na sa iyo oh

Di na'ko makapigil
O heto na naman ako oh
O ako'y nanggigigil napapamahal na sa iyo (oh)
Sa ayaw mo't sa gusto oh

Napapamahal na sa iyo
Sa ayaw mo't sa gusto oh (oh)
Wala na talagang magawa
Mukhang nahulog na oh (oh)
Hm (oh)
Dadada sa ayaw mo't sa gusto (oh)
Sa ayaw mo't sa gusto mapapamahal sayo (oh)

Músicas mais populares de Freestyle

Outros artistas de Hip Hop/Rap