Problema Na Naman

Problema na naman
Suyang-suya na ako
Nananakit na ang tenga ko
Sa kaseselos mo

Problema na naman
Lagi kang nakabantay
Wala ka nang patawad giliw
Maging sa kaibigan

Ako'y umaalis ng bahay upang kumayod
Maghapong nasa gawain sangkaterba ang pagod
Pagdating ko sa inyo tuhod ko'y nangangatog
Sa tuwing kita'y dinadalaw ngiti mo ay manggang hilaw mukha mo'y nakasimangot

Problema na naman
Lagi na lamang ganyan
Sadyang wala na bang katapusan
Ang hirap ko sa buhay

Kapag tayo'y namamasyal lagi kang nangungurot
Kapag meron akong natitigan puso mo'y nadudurog
Sadyang mahal kitang tunay 'yan ay 'di ko malilimot
Ngunit kapag laging ganyan palagi kang nang-aasar ako'y nabubugnot

Problema na naman
Suyang-suya na ako
Nananakit na ang tenga ko
Sa kaseselos mo

Problema na naman
Lagi na lamang ganyan
Sadyang wala na bang katapusan
Ang hirap ko sa buhay

Sadyang wala na bang katapusan
Ang hirap ko sa buhay

Problema na naman

Problema na naman
Lagi na lamang ganyan

Curiosidades sobre a música Problema Na Naman de Freddie Aguilar

Quando a música “Problema Na Naman” foi lançada por Freddie Aguilar?
A música Problema Na Naman foi lançada em 1992, no álbum “Pagbabalik Himig”.

Músicas mais populares de Freddie Aguilar

Outros artistas de World music