Tayo'y Mga Pinoy

Heber Bartolome

Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Tayo'y mga pinoy
Kung ang ilong mo ay pango

Tayo'y mga pinoy
Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi pano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili

Kung ating hahanapin ay matatagpuan
Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran

Sabi ni hepe wag tayong manggaya
Wag kang manggagaya kung di mo rin kaya
Mangopya ka man siguraduhin mong
Mas mahusay sa kinopyahan at matinong matino

Kahit ilong mo ay baliko kahit na panget sarat at pango
Basta't pantay-pantay walang kulay walang away awitin nating sabay-sabay

Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Akoy pinoy sa isip at puso't damdamin at may paniwala sa sariling atin
Gawa na pinoy maipag mamalaki isigaw sa mundo at ipagsabi

Na dito sa silangan ako isinilang
Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili

Sabi ni hepe wag tayong manggaya
Wag kang manggagaya kung di mo rin kaya
Mangopya ka man siguraduhin mong
Mas mahusay sa kinopyahan at matinong matino

Kahit ilong mo ay baliko kahit na panget sarat at pango
Basta't pantay-pantay walang kulay walang away awitin nating sabay-sabay

Tayo'y mga pinoy tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Mayro'ng isang aso daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw hindi tumatahol
Katulad ng iba painglis-inglis pa
At kung pakikinggan mali-mali naman
Wag na lang

Tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Tayo'y hindi kano
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango
Ika'y pinoy

Músicas mais populares de Francis M

Outros artistas de Old school hip hop