Sana Ikaw Na Nga [(feat. Bryan Chong)]

MARK EZEKIEL MAGLASANG

Panty Droppaz League hahaha yeah ExB
This is a Curse Box production
Oh-oh oh oh-oh oh
Oh-oh oh oh-oh oh

Sa'yong mga mata parang nakita ko ang lahat
Magandang bukas na kasama ko'y ikaw
Kaya ngayon ito ang nais kong ilahad
Ngayon ay kaya ko nang isigaw

Ang dati ay hindi ko maintindihan
Ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal
Naging mas makabuluhan
Dahil sa'yo naramdaman

Ngayon ang nais ko ay lagi lang sa piling mo
At sana ay ikaw na nga
Gusto kong masilayan ka bawat paggising ko
At pwede bang ikaw na nga

Binibini ko 'di mo 'ko binigo
Binigyan mo ng kulay ang daigdig ko
Ipinapangako kong pag-iingatan ka
Wala nang dahilan para sayangin ka pa

Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap
Ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama kapiling ko habang panahon

Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap
Ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama kapiling ko habang panahon

Sana ikaw na nga sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga sana ikaw na nga

Yeah teka sandali huminahon ka
'Wag ka munang umalis sa'kin makinig ka
At tumitig ka sa'king mga mata
'Wag ka munang lumayo saan ba papunta

Ang usapan na ito sa awitin ko na 'to
Sasabihin ko na 'to sana 'wag kang malito
Teka lang naman 'wag mo 'kong apurahin
Cool ka lang 'wag mo sanang murahin

Kaya pala ilang beses nabigo (kaya pala)
Hindi na 'ko tumino (kaya pala)
Ngayon ko napagtantong may isang katulad mo
Na mabubunggo sa daang malubak doon ko natiyak

Na ikaw ang magpapatag at sa mundong madilim
Nang ika'y dumating hinatid mo ang liwanag
Kaya gusto ko palagi na awitan ka
Pag-aralan ko kung papa'no ba ingatan ka
Lakbayin nang magkasamang kalangitan
At magsumpaan na palaging aalayan ka

Nang buong pagtingin naka-focus sa mata
Para na kung aneng kasi todo talaga
Sa gabi ay dilat hindi mapikit ang mata
Bukas na 'ko matutulog iisipin pa kita

Panaginip mo pa man dadayuhin pa kita
Para 'di mo lang maisip na mag-isa ka
Sa'n ka man makarating lagi akong darating
Asahan mo palagi na handa kang sagipin

Ikaw ay para sa'kin at ako'y para sa'yo
'Di pa man nakatadhana eh anong pake ko
Basta sa'kin malinaw gusto ko sa tabi mo
Hanggang 'di ko na kayang idilat ang mata ko

Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap
Ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama kapiling ko habang panahon

Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap
Ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama kapiling ko habang panahon

Sana ikaw na nga sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga sana ikaw na nga

Isang tulad mo ang isang tulad mo ang
Siyang hulog ng kalangitan na hinihiling ko
Kaya sana ikaw na nga sana ikaw na nga
'Wag sanang mabigong kunin ang pag-ibig mo

Kaya bumili ako ng singsing sa
Sobrang kintab ay nagniningning
Sa oras na ibigay dapat ay nandito pa rin
Lahat ng pagmamahal at 'wag luwain

Napakasarap ibigin ka
Kasi nga sinta ikaw ang tinitibok ko
Napakasarap isipin na makapiling ka
Hanggang pumuti ang mga buhok ko

Katabi kita matulog hangga't sa magising
Kahati kita sa kumot kung sakaling lamigin
At kung biyayaan man ng supling
Darling sabay nating palakihin

Kung sakaling na may balakid paparating
Dapat magkasabay pa rin nating haharapin
At kung sino mang maging mapapansin
Sa mundo natin handa akong alisin

'Wag kang magtaka ito'y natural talaga
Sa isang lalaki 'pag nakadama
Ng tunay na pagmamahal sa binibining kakaiba
Salita na mahal mo 'ko'y sapat na
Talagang wala nang mas sasarap pa
Pa'no pa siguro 'pag pinalad
Ako ang naganap na sa'kin maikasal ka

Hindi na pakakawalan gusto kitang pakasalan
Wala nang iba pang gustong makasama
Hanggang sa huling hininga ikaw lang sana
Makatuluyan ko reyna ng buhay ko
Lahat ay kaya kong gawin para lamang sa'yo
At ang tangi kong hinahangad
Na sana ay ikaw na nga

Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap
Ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama kapiling ko habang panahon

Sa dami ng hiling ko'y pinagpala
Ikaw ang hinahanap
Ikaw na sana sa'kin ngayon
Hanggang sa pagtanda ko't 'di na kayang
Tumayo sa kama kapiling ko habang panahon

Sana ikaw na nga sana ikaw na nga
Sana ikaw na nga sana ikaw na nga

Curiosidades sobre a música Sana Ikaw Na Nga [(feat. Bryan Chong)] de Ex Battalion

De quem é a composição da música “Sana Ikaw Na Nga [(feat. Bryan Chong)]” de Ex Battalion?
A música “Sana Ikaw Na Nga [(feat. Bryan Chong)]” de Ex Battalion foi composta por MARK EZEKIEL MAGLASANG.

Músicas mais populares de Ex Battalion

Outros artistas de Asiatic music