Kargo

Gaano ba kabigat ang iyong dala-dala
Hanggang saan ba ang hindi na kaya
Huwag kang mag-alala
'Di ka nag-iisa
Nandito lang ako

Kahit na magunaw ang mundo
Kahit na iwanan ka nila
Kahit pa magbago ang lahat
Nandito lang ako
Hindi kita kayang iwanan
Nandito lang ako

Gaano ba kabigat ang iyong pinapasan
Hanggang saan ba ang iyong hangganan
Huwag kang mag-alala
'Di ka nag-iisa
Nandito lang ako

Kahit na magunaw ang mundo
Kahit na iwanan ka nila
Kahit pa magbago ang lahat
Nandito lang ako
Hindi kita kayang iwanan
Nandito lang ako

Kahit na magunaw ang mundo
Kahit na iwanan ka nila
Kahit pa magbago ang lahat
Nandito lang ako
Hindi kita kayang iwanan
Nandito lang kahit 'di mo alam
Nandito lang ako

Músicas mais populares de Eve

Outros artistas de Hip Hop/Rap