Takbo Ng Mundo

Minsan kung alin ang di mo ninanais
Ang mangyayari iwasan man ng labis
Minsan kahit masakit dapat tapusin
Pagkat ang lamat ay hindi kayang ayusin

Mga luha'y tutulo
At para bang huli na ang lahat
Pero ako'y matututo
Babangon muli sapagkat

Tuloy ang takbo ng mundo ang puso'y uusad
Di malulumpo sa bigat ng binubuhat
At masugid na uulit kahit ulit-ulit pang madapa
Di patatalo tuloy ang takbo ng mundo

Kahit di sinasadyang mapagpaliban
Mga bagay na hindi sana nilisan
Minsan kahit ilang ulit pagsisihan
Di na babalikang naiwan ng di napag-isipan

Mga luha'y tutulo
At para bang huli na ang lahat
Pero ako'y matututo
Babangon muli sapagkat

Tuloy ang takbo ng mundo ang puso'y uusad
Di malulumpo sa bigat ng binubuhat
At masugid na uulit kahit ulit-ulit pang madapa
Di patatalo tuloy ang takbo ng mundo

Mga luha'y tutulo
At para bang huli na ang lahat
Pero ako'y matututo
Babangon muli sapagkat

Tuloy ang takbo ng mundo ang puso'y uusad (oh)
Di malulumpo sa bigat ng binubuhat (sa bigat ng binubuhat)
At masugid na uulit kahit ulit-ulit pang madapa (hmm)
Di patatalo tuloy ang takbo ng mundo
Ang puso'y uusad (oh)
Di malulumpo sa bigat ng binubuhat (hmm)
At masugid na uulit kahit paulit-ulit pang madapa (paulit-ulit)
Di patatalo tuloy ang takbo ng mundo oh
Tuloy ang takbo ng mundo

Músicas mais populares de Erik Santos

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)