Hanggang Magkaibigan

Naalala mo pa ba noong unang magkakilala
Ang bilis ng panahon ilang taon natin lumipas na
Di ko makakalimutan ang suot mong damit non
Pati na rin ang punit-punit mong pantalon

Naaalala ko pa nga ang suplada ng 'yong mukha
Pero pag ngumiti ka na umaamo ang 'yong mata
Hindi ko makakalimutan pagtago ng damdamin sa'yo
Natakot masira pagkakaibigan natin noon

Hanggang magkaibigan na lang ba tayong dalawa
Hindi mo ba ko kayang mahalin katulad ng pag-ibig mo sa kanya
Wag mong sabihin sa aking wala kang nadama
Sa tagal nating magkaibigan hanggang dito na lang ba (hanggang dito na lang)

Dumating ang panahon inamin ang damdamin sa'yo
Lahat ng takot ko sa hangin ay binato
Hindi ko makakalimutan ang pagbabago mula noon
Umiwas ka na at di na nagpansinan hanggang ngayon

Hanggang magkaibigan na lang ba tayong dalawa
Hindi mo ba ko kayang mahalin katulad ng pag-ibig mo sa kanya
Wag mong sabihin sa aking wala kang nadama
Sa tagal nating magkaibigan hanggang dito na lang ba (hanggang dito)

Bakit hindi mo subukan (hindi mo subukan)
Buksan ang puso mo at ako ay pagbigyan (pagbigyan)
Baka malaman mo na mahal mo rin ako (malaman oh)
Sana naman maghihintay ako (sana naman)

Hanggang magkaibigan
Hanggang magkaibigan (ah)
Hanggang magkaibigan (hanggang hanggang hanggang)
Hanggang magkaibigan

Hanggang magkaibigan na lang ba tayong dalawa
Hindi mo ba ko kayang mahalin katulad ng pag-ibig mo sa kanya
Wag mong sabihin sa aking wala kang nadama
Sa tagal nating magkaibigan hanggang dito na lang ba

Sa tagal nating magkaibigan (sa tagal nating magkaibigan)
Sa tagal nating magkaibigan (sa tagal nating magkaibigan)
Hmm hanggang magkaibigan na lang ba

Músicas mais populares de Erik Santos

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)