Unang Araw
Sadya ba talagang ganyan
Palakad-lakad ka't nakatungo
Sa'n patungo
Ngayong wala ka na kailangan
Masanay na muling nag-iisa
Sa'n ka na kaya
Huwag mo akong sisihin
Kung minsan ika'y hanapin
Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na
Nasanay lang sigurong nandiyan ka
Di ko inakalang pwede kang mawala
Ayan na nga
Nababato nalulungkot
Luha'y napapawi ng singhot
At talukbong ng kumot
Huwag mo akong sisihin
Kung minsan ako'y iyakin
Ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na
Oh ito ang unang araw na wala ka na
Ito ang unang araw na wala ka na