Makita Kang Muli
Oh oh
Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
San man mapadpad ng hanging hindi
Magbabago aking pagtingin
Pangako natin sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli
Oh
Puso'y nagdurusa nangungulila
Iniisip ka pag nag-iisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling (magkapiling)
Ikaw ang gabay sa aking hirap
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw (ikaw ang gabay sa aking buhay)
Tanging ikaw
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig (ang ating pag-ibig)
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo ng buong puso
Lahat ay gagawin
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig (ang ating pag-ibig)
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli
Makita kang muli
Makita kang muli