Lakambini [Version 1]

Kung ito na ang huli kong liham
Ayoko siyang masayang
Sa isang paalam
Sa isang paalam

Dahil ako ay mabubuhay
Sayong mga alaala
At sa puso mo
Diwa ko'y titira

Di mo na ako kailangang hanapin pa
Pikit ka lang sinta
Ako ay nariyan na

Sa buhay mang ito
O sa kabilang mundo
Hangga't may pag-asang dumadaloy sa akin at sayo
Hangga't pag-ibig ay panig sa atin
Kumagat man ang dilim
Huwag mangamba
Dahil liwanag tayo ng isa't isa

Oh lakambini ko
Buhay ng buhay ko
San ka man patungo
Dalhin mo ako (tara)

Oh huwag ka nang matakot
Mundo'y hayaan mong umikot
Darating din ang (darating din)
Panahon ng hinahon

At di mo na ako kailangang hanapin pa
Pikit ka lang sinta
Ako ay nariyan na sa buhay mang ito
O sa kabilang mundo
Hangga't may pag-asang dumadaloy sa akin at sayo
Hangga't pag-ibig ay panig sa atin
Kumagat man ang dilim
Huwag mangamba (huwag mangamba)
Dahil liwanag tayo ng isa't isa (isa't isa)
Oh oh

Sa buhay mang ito
O sa kabilang mundo
Hangga't may pag-asang dumadaloy sa akin at sayo (sa akin at sayo)
Hangga't pag-ibig ay panig sa atin
Kumagat man ang dilim (kumagat man ang dilim)
Huwag mangamba
Dahil liwanag tayo ng isa't isa (isa't isa)
Isa't isa
Liwanag (isa't isa)

Curiosidades sobre a música Lakambini [Version 1] de Ebe Dancel

Quando a música “Lakambini [Version 1]” foi lançada por Ebe Dancel?
A música Lakambini [Version 1] foi lançada em 2015, no álbum “Bawat Daan”.

Músicas mais populares de Ebe Dancel

Outros artistas de Pop rock