Kwarto

Ebe Dancel

Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban

Hu hu

Mga liham ng linihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Na dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayon kailangan nang itapon
Kailangan nang itapon

Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon hu

May jacket mong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang linuhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo'y nasaktan

Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon

Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan-dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto naro'n siya

Magpapaalam na sa'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa'yo ang aking kwarto
Magpapaalam na sa'yo
Magpapaalam na sa'yo
Magpapaalam na
Magpapaalam na sa'yo ang aking kwarto

Curiosidades sobre a música Kwarto de Ebe Dancel

Quando a música “Kwarto” foi lançada por Ebe Dancel?
A música Kwarto foi lançada em 2020, no álbum “Baliktanaw”.

Músicas mais populares de Ebe Dancel

Outros artistas de Pop rock