Kahapon Ngayon At Bukas

Na na na

Hangga't hawak mo ang aking kamay
Ano mang hamon ang ibigay
Ng mundong itong pabago-bago
Dahil sa 'yo nakakayanan ko

Turuan mo akong bitawan ang kahapon
At harapin ang ngayon
Kahit ano pa man ang pinagdadaanan
Ang laging mabigat ay gumagaan

Sa piling mo lamang ligtas ang puso ko
Malaya kong sasabihin sa 'yo
Mahal kita labis at wagas
Kahapon ngayon at bukas

La la (ooh)

Ayokong mangako na laging payapa
Ang bawat sandali nating dalawa
Basta't hawak mo ang aking kamay
Ngayon at habang buhay

Turuan mo akong bitawan ang kahapon (turuan mo akong bitawan ang kahapon)
At harapin ang ngayon (at harapin ang ngayon)
Kahit ano pa man ang pinagdadaanan (kahit ano mang pinagdadaanan)
Ang laging mabigat ay gumagaan

Sa piling mo lamang ligtas ang puso ko
Malaya kong sasabihin sa 'yo
Mahal kita labis at wagas
Kahapon (kahapon)
Ngayon (ngayon)
At bukas (bukas)

Mahal kitang labis at wagas
Kahapon ngayon at bukas
Kahapon (kahapon)
Ngayon (ngayon)
At bukas (at bukas)

Músicas mais populares de Ebe Dancel

Outros artistas de Pop rock