Hanggang Wala Nang Bukas

Oh oh oh

Ikaw ang tahanan ng aking puso
Ang puno't dulo ng buhay ko
Mangangarap hanggang makakayanan
Mananaginip hanggang kamatayan
Hangga't maaari iiwas sa dahas

Ngunit kung kailangan buhay ko ma'y kabayaran
Para makita kang malaya at umibig ng payapa
Mabuhay sa mundong ito ligtas sa takot at gulo
Ang makita kang malaya
Ang nag-iisang panata
Yayakapin mamahalin kita
Hanggang wala ng bukas
Oh oh oh

Magtagumpay man o ikamatay
Hahagkan ang gabing walang katiyakan (oh)
Ito ang pinili kong buhay (oh)
Ibigin kang buo at tunay
Hangga't maaari iiwas sa dahas

Ngunit kung kailangan buhay ko ma'y kabayaran
Para makita kang malaya at umibig ng payapa
Mabuhay sa mundong ito ligtas sa takot at gulo
Ang makita kang malaya
Ang nag-iisang panata
Yayakapin mamahalin kita
Hanggang wala ng bukas

Hanggang sa huli
Ako'y iyong nasa tabi
Hanggang sa huli
Pangalan mo pa rin sa aking mga labi

Ang makita kang malaya
At umibig nang payapa
Mabuhay sa mundong ito ligtas sa takot at gulo
Ang makita kang malaya
Ang nag-iisang panata
Yayakapin mamahalin kita

Hanggang wala ng bukas (mamahalin kita)
Hanggang wala ng bukas (mamahalin kita)
Hanggang wala ng bukas

Curiosidades sobre a música Hanggang Wala Nang Bukas de Ebe Dancel

Quando a música “Hanggang Wala Nang Bukas” foi lançada por Ebe Dancel?
A música Hanggang Wala Nang Bukas foi lançada em 2015, no álbum “Bawat Daan”.

Músicas mais populares de Ebe Dancel

Outros artistas de Pop rock