Muling Sumapit Ang Pasko
Muling sumapit ang pasko
Sana ay maalala mo
Ang pangakong di magbabago
Na ako lang ang iibigin mo
At walang iba sa 'yong puso
Ang pasko ba ay lilipas
Na di na bibigyang lunas
Bakit di natin pag-uusapan
Kung mayroong pa na nararamdaman
Sayang ang paskong magdaraan
Kung ang puso'y di natin pagbibigyan
Di ba't sayang kung maglalaho nalang
Tunay nga ba ang pangako'y nalimutan
Bakit di alalahanin at balikan
Ang pasko ba ay lilipas
Na di na bibigyang lunas
Bakit di natin pag-uusapan
Kung mayroong pang nararamdaman
Sayang ang paskong magdaraan
Kung ang puso'y di natin pagbibigyan
Di ba't sayang kung maglalaho nalang
Tunay nga ba ang pangako'y nalimutan
Bakit di alalahanin at balikan
Kung ang puso'y di natin pagbibigyan
Di ba't sayang kung maglalaho nalang
Tunay nga ba ang pangako'y nalimutan
Bakit di alalahanin at balikan