Kurot Sa Puso
Bakit ba pag nakita ka
Damdamin ko'y nag-iiba
Parang may kurot sa puso
At walang tigil ang kaba
Ano ang mayroon ka
At parati kong nais
Ang matitigan ka
Sana ay mapansin mo
Ang damdamin kong nagmamahal
Bawat sandali ang tawag
Ng puso'y laging ikaw
Kailan mababatid
Ang kurot sa puso ko
Kailan maririnig
Sa aking puso
Araw-gabi ang hanap-hanap ay ikaw
Wala na ngang kailangan pa kundi ikaw
Sana ay mapansin ang aking damdamin
Ikaw ang pangarap para sa akin
Sana ay mapansin mo
Ang damdamin kong nagmamahal
Bawat sandali ang tawag
Ng puso'y laging ikaw
Kailan mababatid
Ang kurot sa puso ko
Kailan maririnig
Sa aking puso
Araw-gabi ang hanap-hanap ay ikaw
Wala na ngang kailangan pa kundi ikaw
Sana ay mapansin ang aking damdamin
Ikaw ang pangarap para sa akin
Sa aking puso
Araw-gabi ang hanap-hanap ay ikaw
Wala na ngang kailangan pa kundi ikaw
Sana ay mapansin ang aking damdamin
Ikaw ang pangarap para sa akin
Para sa akin