Paano Nga Ba
Toto Sorioso
Pa'no nga ba sabihin sa'yo
Ang tunay na damdamin ko
Nangangamba sa kalalabasan
Ngunit ayaw kang pakawalan
Di ko naman pinlano ito
Bakit nga ba nagkaganito
Tayo naman ay magkaibigan
Ngunit sana ay magka-ibigan
Gumugulo na ang aking isip
Nadadala ang puso sa ihip
Dampi ng iyong panaginip
Pa'no nga ba ang magmahal
Lagi na lang lang dinarasal
Pa'no ko ba ipadadama
Kung meron kang mahal na iba
Paano nga ba sabihin sayo
Nagdurugo ang puso kong ito