Paskong Alaala
Sasapit din ang araw malayo pa't tinatanaw
Naghahandang umaga ang ating panimula
Lalasapin sa hangin ang pag-ibig ng bawat isa
Kanlungan ang paglaya paghimig mo'y isang tula
Kalinga kang liwanag sa lilim mo'y tumatahan
Naririnig ng langit ang mga tinig ng bawat isa
Lumalamig na rin ang simoy ng hangin sabay sabay tayong manalangin
Ang araw ng Pasko ay damhin mo
Buhay ko'y sadyang may ligaya sa piling niyo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso dala dala ko ang alaala nyo
Pagtipon at pagsibol ang araw ay walang hanggan
Narito ang panahon kapiling niyo pinagmasdan ang makulay kong buhay
Lumalamig na rin ang simoy ng hangin sabay sabay tayong manalangin
Ang araw ng Pasko ay damhin mo
Buhay ko'y sadyang may ligaya sa piling niyo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso
Dala dala ko ang alaala niyo
Buhay ko'y sadyang may ligaya sa piling niyo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso dala dala ko ang alaala niyo (buhay ko'y sadyang may ligaya)
Alaala niyo (sa piling niyo'y lubos ang pag-asa)
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso dala dala ko ang alaala niyo
Buhay ko'y sadyang may ligaya sa piling niyo'y lubos ang pag-asa
Ang diwa ng Pasko ay nasa ating puso dala dala ko ang alaala niyo