Nando'n Ako

Sa bawat ihip ng hanging dumadampi sa'yo
Sa bawat sikat ng araw na halik sa pisngi mo
Sa bawat buhos ng ulan na ang dala'y walang hanggan
Naroro'on ako kailan pa man

Sa bawat ilog at dagat na 'yong lalanguyan
Sa bawat ningning ng bituin nang-aakit ng kinang
Sa bawat bundok at parang maging hanggang kalangitan
Nando'n ako hindi ka iiwan

Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at 'di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando'n ako kasama mo nando'n ako

Sa bawat ilog at dagat na 'yong lalanguyan
Sa bawat ningning bituin nang-aakit ng kinang
Sa bawat bundok at parang maging hanggang kalangitan
Nando'n ako hindi ka iiwan

Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at 'di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando'n ako kasama mo nando'n ako

Sa kalungkutan maging kasiyahan
Makakasama mo ako hindi ka iiwan
Pagkat ang pag-ibig ko'y tanging ikaw lamang
Dadalhin ko hanggang kalian pa man

Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at 'di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando'n ako kasama mo nando'n ako

Músicas mais populares de Daryl Ong

Outros artistas de Middle of the Road (MOR)